10 Abril 2021
Melody Mendoza Aguiba
Isinulong ng isang think tank sa edukasyon na gawing pormal na institusyon ang “online” o “blended” na pamamaraan ng pag-aaral.
Sa pag uudyok na rin ng sitwasyon dulot ng pandemyang Covid 19, napilitan ang mga paaralan sa Pilipinas na yakapin ang online na paraan ng pag-aaral.
Mula sa resulta ng mga pananaliksik ukol sa online learning, isinulong ng Educational Policy Research and Development Center (EPRDC) ang isang lehislatura na naglalayong gawing pormal na institusyon ang online na edukasyon o ang tinatawag na pinaghalo o “blended” na edukasyon.
Ayon sa Department of Education (DepEd), ang blended learning ay parehong niyayakap ang tradisyonal na personal na harapan na pag-aaral (face-to-face learning) at ang pag-gamit ng radyo at telebisyon sa pag-aaral.
At ngayon ay kasama na rin sa mga medium na ito ang mga internet platforms o online na medium.
Sinabi ng EPRDC na mula sa ekstensibong pag aaral ng Philippine Normal University (PNU), napag alaman na ang online na edukasyon ay “nagbubunga ng pina-igting na pagiging masigasig sa pag-aaral sa mga batang mag-aaral sa halos lahat ng baitang.”
Ang pananaliksik na ito ng EPRDC-PNU ay napag obserbahan sa loob ng sampung (10) taon. Ang pag aaral ay pinag sama-sama ni Dr. Edna Luz Raymundo-Abulon.

Inihayag pa nang may diin ng EPRDC-PNU na maaring mapaglabanan ng Pilipinas ang phenomenon na “brain drain” sa pamamagitan ng ganitong bagong teknolohiya. Ang brain drain ay ang pagkaubos ng mga Pilipinong skilled na piniling mag abroad.
“Ang brain drain phenomenon — kung saan ang mga Pilipinong guro ay pinipili na mag-trabaho sa ibang bansa kaysa dito — ay dulot ng mababang sahod. Ito rin ay dahil sa kakulangan ng oportunidad sa paglago ng propesyon sa Pilipinas,” ayon sa think tank.
Ang pananaliksik ng PNU ay napapaloob sa walumpu’t sya (89) na nai-lathalang pag aaral. Ito rin ay kinikilala ng mga refereed scientific journals o kinalalahukan ng mga batikang siyentista. Sakop nito ay tatlumpu’t walong (38) proyektong pananaliksik.
Ito ay isinagawa ng mga propesyunal na guro ng PNU na nagsimula pa noong 2010 hanggang 2020.
Ang pagaaral ni Balagtas et al. (2018), halimbawa na, ay nagpakita na ang teknolohiya sa pamamagitan ng blended modality sa mataas na paaralan sa kolehiyo ay napatunayang epektibo. Ito ay partikular na sa pagtuturo sa Learning Management Systems (LMS).
Ang LMS ay isang programa sa computer o software para patakbuhin ang isang programang pang edukasyon na ang layon ay magturo ng skills o ng trabahong pang-kabuhayan o kakayahan.
Sa pag aaral naman ni Sarmiento at Prudente, napag-alaman na isang praktikal na gamit ng MyOpenMath, isa ring software o programa sa computer, ay pigilan ang pangongopya ng mga mag aaral sa sagot o homework ng iba.
Sa isa pang pag aaral sa PNU (nila Mancao, Morales, Abulon, Ermita at David), ipinakita na ang mga mag aaral ay may positibong perception o pananaw sa pag gamit ng online na pagtuturo kahalo ang pagtuturo sa silid-paaralan (classroom).

Naniniwala ang mga mag aaral na ang blended learning ay isang epektibo at mahusay na paraan na matuto ng mga kursong pang kolehiyo.
Masaya at nakaka-aliw ring paraan para matuto ang online learning, ayon sa isang pananaliksik mula sa sa isang klase ng Teacher Education Institution (TEI). Ang TEI ay may layon na mag hubog ng skills ng mga guro.
“Ang pag gamit ng low-cost tablets (portable computers) – online o offline man – ay isinagawa ng isang semester sa isang TEI. Napag alaman rito na ang online learning ay naging masayang paraan para matuto gamit ang tablet at mga apps (Cacho et. Al., 2017.”
Ang pag gamit ng smartphones, sa loob man ng klase o pagkatapos ng klase, ay sinubukan ng mga pre-service na guro (Cacho 2017).
“Ini-ugnay ng pag aaral na ito ang mabisang pag-gamit ng mga apps sa android phones sa epektibong pag-alam ng mga mag aaral ng mga mahalagang kaalaman o heneral na impormasyon. May pagkakaisa ang mga mag-aaral sa mga aktibidad na nangangailangan ng collaborative o pagtulung-tulong sa pagaaral.”
Subalit sa kabila ng masidhing pagnanais ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa pag-gamit ng ganitong teknolohiya, ang nagiging balakid ay ang kawalan ng mga qualified na guro na may kasanayang gumamit ng mga software at hardware.
Kasama na rin nito ang prublema sa kakulangan ng mga gadgets at koneksyon sa internet na isa sa mga pangunahing balakid.
Ang pag-aaral ni Mancao et al. noong 2015 ay nagsabi, “Kailangan ng angkop na tulong ng mga unibersidad sa pagsasagawa ng ganitong pedagohiya o bagong pamamaraan ng pagtuturo. Kailangan na magkaroon ng mga standard templates, class schedules, at mga alituntunin sa online learning.“
“Sa bawat makabagong istratehiya, kailangan muna ang sapat na pasilidad at mga guro na may kaalaman at mastery. Dapat rin lumahok ang mga mag-aaral upang ang mga alintuntunin ay masunod.“
Maari rin matugunan ng blended learning ang suliranin sa kakulangan ng mga silid paaralan. Ang ideyal na size ng klase ay dalawampu (20) hanggang tatlumpu (30).
Sa kabila nito, hindi kakaiba na makakita ng klase na may apatnapung (40) mag-aaral sa mababang paaralan.
“Isang pagaaral ang nagsuri ng pamamaraan ng pagtuturo na epektibo sa malaking klase (Reyes & Dumanhug, 2015). Ito rin ay may kinalaman sa blended learning,” sabi ni Abulon.
Ang isa pang mahalagang pasilidad sa pag-aaral sa mataas na paaralan ay ang online library, ayon kay Abulon.
Ang PNU mismo ay may web-based research management system. Ito ay bahagi ng research portal ng PNU. Mayroon itong mabilis at may sistemang paraan sa pagmo-monitor ng lahat ng sipi ng mga pananaliksik ng PNU.
Nanawagan rin ang EPRDC-PNU na siguruhin ng gubyerno na ang curriculum sa mataas na paaralan ay tumutugon sa pangkasalukuyang pangangailangan ng mga mamamayan.
Sinabi raw ni Anito and Morales sa isang report na, “Ang archaic (o makalumang) paraan ay hindi na tumutugon sa kanyang mga hangarin.” (Melody Mendoza Aguiba)