November 13, 2021
Inilathala ni Melody Mendoza Aguiba
Pinamunuan ng Pilipinas ang rehiyon ng Asya sa ikawalong usapin ng pampuno ng pondo ng Global Environment Facility o GEF.
Ang mga usaping pinansyal na ito ay makakatulong upang maisakatuparan ng mga umuunlad na bansa ang kanilang pangako sa pandaigdigang layunin na pang-kalikasan. Yan ay sa kabila ng mga balakid na dulot ng pandemya na Covid 19.
Ang pangalawang pagtitipon sa usaping GEF8 na ginawa ng online noong Setyember 29 hanggang Oktubre 1 ay napakahalaga. Ito ay sa dahilang ang Covid 19 ay nagdulot ng krises na dapat lang malampasan ng bawat bansa.
Ang krises na yan ay hindi dapat makapigil upang ang mga suliranin sa biodiversity, pagbabago-bago ng klima o climate change, polusyon mula sa kemikal at iba pang mga bagay na sentro ng atensyon ng GEF ay ma-resolba.
Sinabi ni Kagalang-galang na Roy A. Cimatu, kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na ang bansa ay humaharap sa mga mahalagang suliranin na nangangailangan ng probisyong pinansyal.
“Kailangan nating mapondohan ang mga hakbang hinggil sa pagtugon sa suliranin sa klima, sa pangangalaga ng kalikasan, at sa pandemya. Ang GEF8 ay nagbibigay ng oportunidad sa mga bansa na malutas ang mga prublemang ito,” ani Cimatu.
Ang Pilipinas, na lumahok sa usaping GEF8 sa pamamagitan ni DENR Undersecretary Analiza Rebuelta-Teh, ay umaasang mapopondohan ang kanyang mga proyektong pang-kalikasan sa pamamagitan ng susunod na cycle ng GEF.
Ang apat na taong cycle ng GEF-8 ay magsisimula mula July 2022 at magtatapos sa June 2026.
Ang pondo ng GEF-8 ay maaring umabot sa $6.5 na bilyon. Yan ay possible kung maitataas ang alokasyon para sa mga programang tinatawag na “Non-Grant Instruments” (NGI) at Small Grants Program (SGP).
Ang mga alokasyon ng pondo para sa mga ito ay naglalayon na tulungan ang pribadong sektor at mamamayang sibil upang makilahok sa mga proyektong NGI at SGP.
Ang GEF ay itinayo tatlumpung (30) taon na ang nakalilipas upang tulungan ang mga umuunlad na bansa na tugunan ang mga pangunahing suliranin hinggil sa pagkasira ng mga kakahuyan, pagdami ng disyerto, pagbabago-bago ng klima, pagkawala ng biodiversity, at pagkasira ng ozone na ating proteksyon sa atmospera.
Si Teh ay naging “Asia observer” hindi lamang ng Pilipinas kundi ng rehiyong Asya sa GEF8 sa kadahilanang sya ang Operational Focal Point person ng GEF Asya.
Ang rehiyon na ito ay kinalalahukan ng Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, Cambodia, Iraq, Jordan, Laos, Lebanon, Sri Lanka, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal, Pakistan, Philippines, Thailand, Viet Nam, Indonesia, Syria, at Yemen.
Sa kanyang nag-kaisang paninindigan, naibahagi ng rehiyong Asya sa GEF ang kanyang suporta sa “vulnerability index.” Ang index na ito ay nagiging basehan kung ano ang uunahin ng GEF na pondohan na mga proyekto.
Ang vulnerability index ay isang paraan sa tinatawag na System for Transparent Allocation of Resources (STAR) na nagtutukoy kung ano ang pinakamahalagang programang pang-kalikasan ayon sa aktwal na pangangailangan ng mga bansa at kanayunan.

Ito ay tumutugon lalo na sa mga pangangailangan ng malilit at pinaka nangangailangang bansa o Least Developed Countries (LDC) at ng mga maliliit na pulo-pulong bansa o Small Island Development States (SIDSs).
Ipinahatid ng Pilipinas sa GEF ang pangangailan na suportahan ng higit ang mga LDC at SIDC.
Ang malaking parte ng $6.5 bilyong pondo ng GEF8 ay ilalaan para sa biodiversity, 34%. Ang susunod na pinakamahalagang pondohan ay ang mga proyektong may kinalaman sa pagbabago-bago ng klima, 15%, sinundan pa ng kemikal at patapon na materyal, 14%.
Ang pan-daigdigang karagatan ay tumatanggap ng pondo na umaabot sa 12% ng GEF cycle. At ang pagkasira ng mga lupain naman ay tumatanggap ng 11% na alokasyon. Ang para sa NGI na pondo ay umaabot sa $157 milyon at ang para sa SGP ay $256 milyon.
Ang mga sumusunod ang mga mungkahi mula sa rehiyong Asya sa nagaganap na usaping GEF8:
- Pinaigting na suporta para sa mga bansa sa kanilang pang-karagatan at pang-kakahuyan na pangangailangan
- Pagpapalawig ng paglahok ng pribadong sektor sa mga layuning pang-kalikasan at ang ginaganap na tungkulin ng NGI at “blended finance” (kumbinasyon ng paraan ng pag-pondo) sa ganitong layunin
- Pag-balangkas ng mga basehan kung sino ang dapat makinabang sa mga proyektong may kinalaman sa pagtugon sa pagbago-bago ng klima. Ito rin ay may kinalaman sa pag-suporta ng pribadong sektor na makapag-dudulot ng pang-matagalang implementasyon ng mga ganitong proyekto.
Ayon sa paninindigan ng rehiyong Asya, mahalaga rin na maglagay ng criteria sa paglahok ng mga ahensya ng GEF sa mga Integrated Programs (mga programa na kinasasangkutan ng dalawa o mahigit pang bansa); mga paraan upang mabawasan ang gastos sa transaksyon; at mapag aralan ang gastos na pang administrasyon ng mga ahensya ng GEF.
Mahalaga rin na mapag-aralan at matugunan ang dahilan bakit ang nga MDBs (multilateral development banks) ay tumatanggap ng mas mababang pondo sa GEF.
Nitong huling GEF cycle, naglaan ang GEF ng $1 bilyon para sa proyektong pinapatakbo ng 18 na partner na mga ahensya kasama na rin ang mga pambasang gobyerno.
Sinabi ni Chairperson Carlos Manuel Rodriguez sa 184 miyembrong-gubyerno ng GEF na mataas ang ambisyon ng cycle na ito ng GEF8.
Dapat lamang na maisa layunin na sugpuin ang mga suliranin ng kakahuyan sa mundo, at tugunan ang mga pagkasira ng karagatan, ng mga ilog, kakahuyan, kalupaan, kagubatan, at pandaigdigang negosasyon.
“Handa ang GEF 8 na makamit ang mataas na ambisyon mula sa mga bansa sa mga negosasyon sa biodiversity, kemikal, at pagbago bago ng klima,” ayon kay Rodriguez.
“Ang pagiging matapang at ambisyoso ay minimithi natin para sa GEF8. Ito ay magkakaroon ng resulta sa kalupaan man o sa karagatan, ” sabi ni Rodriguez. “Ang ating tungkulin ay bahaginan ang mga donor countries—ang mga bansang nagkakaloob ng yaman—ng mga dakilang oportunidad upang makapag likha ng mga pagbabago. Minimithi rin natin na ang mga bansang tumatanggap ng tulong pinansyal ay magkaroon ng mga dakilang proyekto na mapapalawig pa sa ibang lugar sa buong mundo.”
Ang usaping GEF8 ay paraan rin upang ang mga donor countries ay makapag negosasyon ukol sa sharing ng alokasyong pinansyal para sa mga proyekto.
Oportunidad rin ito upang mapag aralan ang performance ng GEF at ng kanyang paglago, at mapag aralan ang pangangailangang pinansyal ng mga bansa at ng paraan kung paano ito matutugunan ng GEF.
Ang mga usaping pampuno ng pondo ng GEF ay kinalalahukan ng mga representatives ng apat na clusters ng mga non-donor na bansa. Ito ay mula sa rehiyon ng Africa, Asia, Eastern Europe at Central Asia, NGOs (non government organizations) at pribadong sektor.
Sinabi ni World Bank Vice President of Development Finance Akihiko Nishio na sadya ngang kailangan na baguhin ang mga diskusyon upang matugunan ang pangkasalukuyang suliranin na nakakasira ng kalikasan.
“Napakaraming hinaharap na suliranin ngayon ng kalikasan na dapat tugunan ng GEF-8. Ang ‘business as usual ay hindi na epektibo,” sabi ni Nishio. “Kailangan nating maging matapang at mabilis sa pagde-desisyon. Kailangang tulungan ang mga lumalagong bansa upang mabawasan ang mga masamang banta sa kalikasan. Ito ay makakatulong para sa lahat ng bansa.”
Sinabi ni Rodriguez, nangangailangan ngayon ng higit na pondo ang mga proyekto upang makamit ang mga pangako sa Convention on Biological Diversity, United Nations Framework Convention on Climate Change, the UN Convention to Combat Desertification, Minamata Convention on Mercury, at ang Stockholm Convention on Persistent Organic Pollutants. (Melody Mendoza Aguiba)
Ang isang mahalagang istratehiya upang makamit ang mga pangakong ito as paigtingin ang maayos nap ag babalangkas ng mga polisiya, pag aayos ng political na pagpapatupad ng mga proyekto, at maayos na pagpapatakbo ng gubyerno.
DApat lang na ang GEF ay maiayos ang pagkakaisa para sa isang layuning ng mga gubyernor, civil society, at pribadong sector upang mabigyan ng solusyon ang mga ugat ng prublema ng kalikasan at pagkasira nito.
Gaganapin ang ikatlong GEF8 sa Pebrero 2022 at susundan pa ng ikaapat at huling usaping pampuno ng pondo sa April-May 2022. (Melody Mendoza Aguiba)